To The One That Got Away

Napanaginipan ko na naman si “The One That Got Away.” Nakakakilig ‘yong scenario, eh. Napadaan daw ako sa bahay niya kasi malapit daw ang house nya sa office ng publishing company na pinagsusulatan ko (sa panaginip lang ‘yon). Ewan kung anong pag-iinarte ang nalalaman ko sa panaginip ko pero parang kunwari deadma ako sa kanya at sinusupladahan ko sya pero deep inside may kilig at nostalgic feeling nung nakita ko siya sa tapat ng gate ng bahay nya. Tinawag nya daw ako tapos nagpa-cute at ume-FC sya sa kin pero pabebe lang ako, kunwari wala na talagang feelings. He’s still the same cheerful, funny guy as then at mukhang masaya sya dahil nakita niya ako. Tapos iniwan ko na sya para umuwi kahit parang ayaw nya pang umalis ako. Then while I was walking, umeksena ang ulan. Nagtakip ako ng book sa ulo ko. Maya-maya, biglang may humawak sa braso ko habang naglalakad ako. Si TOTGA, may payong. Pinayungan ang lola nyong nabasa ang hair dahil biglang humaba. Biruin mo, nag-alala sya sa kin. Sinundan nya pa ako sa ulanan. Pero di ko pinakita na na-appreciate ko ‘yong sweet gesture nya. Parang wala lang. Tapos he said something like, delikado daw maulan. Maggagabi na. ‘Wag na daw muna akong umuwi. Pwede naman daw ako matulog sa bahay nya. Uy, wow! lakas ng arrive ng lolo mo! Patulugin daw ako sa bahay nya? Eh, dahil pabebe ako sa panaginip, itinulak ko sya sa balikat, kako “ayoko nga!”

May commercial break yata sa panaginip kasi naputol ‘yong eksena. Hindi ko tuloy alam kung natulog ako sa bahay nya o umuwi akong basang-basa sa ulan. Tapos yung sumunod na eksena, kausap ko na yong friend ko na may kasamang anak. Di ko alam kung anong pinagkwentuhan namin pero parang si TOTGA, di ko lang sure pero iniisip ko sya nun, eh. Then, back to regular programming. Nandun ulit si TOTGA. katabi ko sya sa ilalim ng isang shed na may bench. Katabi namin ‘yong friend ko na may katabing anak. Tapos bigla kong naramdaman ‘yong kamay nya na umakbay sa kin. Dahil nga mainarte ako, inalis ko pero makulit sya, umakbay ulit habang nagkukuwentuhan kami kasama ‘yong friend ko. Nung una, parang akbay pang-kaibigan lang. Nung di ako pumalag, naging possessive na yong akbay. Tapos ako, parang deadma lang kunwari pero deep inside nagrarambulan na mga lamang-loob ko sa kilig. Sa loob-loob ko, OMG antagal kong di naramdaman tong kilig na to. Ang sarap talagang kiligin. Then biglang nabanggit nya ‘yong cellphone sa usapan kaya naalala ko ‘yong cellphone ko. Kinapa ko sa bulsa ng shorts na suot ko, wala!

Tumakbo ako nang walang sabi-sabi papunta sa naunang pinuntahan ko sa isang canteen na parang bahay lang ang interior. Anlayo ng tinakbo ko. Tinanong ko ‘yong mga tao dun kung may naiwang cellphone. Wala raw silang nakita. Tapos nag-iwan ako ng cp number (just in case na may makakita sa kanila para makontak ako) na di ko maisulat nang maayos. lagi kong binubura. In the end, number ng sister ko ang nilagay ko. Doon naubos ang oras ko sa kakahanap ng cellphone ko. Pero alam ko, balak kong bumalik sa ilalim ng shed.

Nagising ako nang nanghihinayang kung bakit hinanap ko pa ‘yong cellphone ko. I should have stayed beside TOTGA because that scene won’t happen in real life anymore. In reality, I know I miss that guy but I’m pretty sure I only miss his company, his humor and how our wits jive so perfectly. Iyon lang. And I don’t want to think that I feel more than that because he’s happy with someone else right now. 🙂 To The One That Got Away, I am sincerely happy that you have now found that happiness that you were searching for. I know you deserve to be happy. Thank you for the good times, although it was really short. I am sorry if at some point I’d hurt you, if I’d chosen to turn away from you just because of my pride. Sorry for being pabebe.

Now, I just have to ask you a favor. Please stop entering my dream.

About

You may also like...

Any comments?