Secret Life Of A Writer

One month na mahigit yung 256pp novel na sinusulat ko pero di ko pa tapos. I usually spend the whole day in front of my computer pero madalas 1-4k (min-max) words lang ang napo-produce ko. 10 hours ako sa harap ng computer pero hindi ako parating nagta-type. Kasi kasama na sa 10 hours na yun ang mga sumusunod:

* Research. Nagre-research bago simulan ang isang nobela pero nagre-research pa rin habang sinusulat ang isang nobela

* Summons momentum. “Momentum, come to me, plith!”

* Right after every scene, hihinto para tanungin ang sarili ng “Anong susunod na eksena?” Minsan, walang response mula sa sarili

* Mag-i-imagine ng eksena at location nun. Ano hitsura ng dagat? Mabato ba o white sand? Saan nakaposisyon yung kusina? Mga ganun

* On the spot story mapping sa isip (kasi tamad ako mag-jot down) Hindi ako nag-a-outline ng eksena. Hindi talaga planado ang mga sinusulat ko bago ko isulat. Basta kung ano na lang ang lumabas habang nagsusulat ako, yun na ang sinusundan ko

* Makikipag-debate sa sarili kung ano ba mas magandang gawin sa eksenang yon. Yes, kinakausap ko talaga sarili ko. Minsan di kami nagkakasundo

* Magsusulat pero buburahin at papalitan ng iba kasi may naisip na mas maganda. Magsusulat pero tatanggalin din maya-maya kasi di ako nagandahan. Minsan isang buong chapter, lalagasin ko pag di ako satisfied. So bawas na naman ang number of words imbes na umaandar na

* Re-review-hin ang last scene bago magsulat sa umpisa ng araw. Recap with typo errors proofreading

* Internalization ng eksena at characters. Sa akin magmumula lahat ng emosyon at kilos ng characters ko. Kaya kailangan ramdam ko din yung emosyon nila at saklaw ko yung pag-iisip at behavior nila kahit hindi ako sila at magkaiba kami. Ano bang pakiramdam niya kasi heartbroken siya (ako hindi)? Paano ba kumilos ‘yong babaeng super kaduper sa ganda (ako slight lang, haha)?

* Silip muna sa social media kasi walang maisip na susunod na eksena

* Makikitsismis sa buhay ng ibang tao sa FB newsfeed kasi kasama iyon sa research at gathering of knowledge/ideas. Writers can get inspirations from real life stories and experiences of people around

* Makikinig sa music at kakanta muna sandali para maka-set ng mood

* Break. Snack. Dinner. Midnight snack

* Minsan manonood muna ng isang episode ng ongoing K-drama kasi inspiration yun. Saka breather na rin para hindi ako mabaliw sa puro isip-isip. 1 hour lang naman

* Sasabunutan sarili at minsan walling kapag nafu-frustrate na kasi walang maisip na eksena

* Ie-enact ang ilang eksena bago pa isulat para makuha ang exact description nung eksena o emosyon ng characters. Oo, artistahin din ako minsan

* Luluha kasi madadala sa heartbreaking scenes at pakakalmahin ang sarili

* Sisigaw ng “Kilig, where na u? Dito na me!” kapag romantic scenes na pero ngangabels kasi ubos na ang kilig sa katawan

*Hihilutin yung likod kasi ansakit na maghapong nakaupo

*Tutunganga sa harap ng computer kasi may writer’s block

So, sa 10 working hours, ang actual hours na nagta-type ako ay 4 hours lang, haha!

Pero diba? Hindi lang ako basta writer, eh. Researcher, director, cinematographer at artista din. I’m sure, ganyan din mostly ang routine ng ibang writers. That is how hard this job is. Hindi ka lang basta magsusulat, magre-research ka, hahanap ng inspirasyon, hahanap ng motivation, mag-iisip ka nang mag-iisip, mapupuyat ka, mapapagod ka kakaupo. Hawak mo nga siguro ang oras mo. Puwede kang mag-off kung kailan mo gusto pero magi-guilty ka kapag ginawa mo ‘yon. Maiinis ka sa sarili mo kasi imbes na kumikita ka, nagpahinga ka. Because you don’t get paid unless you finish a manuscript.

My job can really be frustrating and exhausting. I still love it though.

Now, back to writing mode.

About

You may also like...

One thought on “Secret Life Of A Writer

  1. Lhyn Porbosa

    August 7, 2017 at 1:41pm

    Mygaaahd, buti tinigil ko na ang ambisyonna maging writer. Dahil buang na nga ako, baka mabuang pa ‘ko lalo 🙊😂

    Permalink  ⋅ Reply

Any comments?