AN OFFICE FROM HELL STORY

Title: OFFICE FROM HELL—ER?
Writer: Ayi

Office From Hell-er is a script created for entertainment purposes only. Unedited. Raw. Disjointed. Random. Crazy. Nasty. And most of all, not inspired by anything or anyone with a bad face. Hihi.

Ang HELLER Solutions Inc. ay isang call-center agency na nag-i-specialize sa technical support kung saan lahat ng empleyado ay maaaskad ang mga mukha at nakakasuka ang mga ugali. Hindi ko alam kung paano sila kumikita nang ganyan pero basta, katuwaan lang naman ito kaya ‘wag n’yo nang hanapan ng loophole. Mula sa boss na buwaya hanggang sa janitress na may daily PMS. Sounds terrifying? It was indeed an office from hell. Sige, umpisahan nang basahin para mapa-tumbling kayo sa banas.

P.S. Siya nga pala, walang bida rito. Lahat kontrabida.

EPISODE 1

   1. INT. HELLER OFFICE – DAY

*SHRILL BACKGROUND MUSIC ROLLING, BAD*SS NAMES ROLLING

Shot of a head top with dandruff. A hand scratching the flaky head. Then cut to full shot. Makikitang ulo pala iyon ni LOISA (33), call center agent at mahaderang lider ng katsismisan sa buong HELLER. Malaki ang ilong nito. Kaya minsan ay nasisinghot nito ang mga dandruff nitong every 3.6 seconds ay nahuhulog mula sa ulo nito. Galit rito ang janitress dahil sa dandruff pa lang nito na nagkalat sa sahig ay napupuno na ang dustpan ng janitress. Si Loisa ang admin ng anti-Angel Locsin page sa Facebook kaya given nang hindi ito gumagamit ng dandruff shampoo.

Titingin si Loisa sa kapwa call center agent kay MICA (25) pero mukhang (45) dahil sa obesity. Hindi bale. Porselana naman ang kutis nito. Pink na pink. Maya’t-maya ay may nakasaksak na pagkain sa bunganga nito. Mahilig itong sumayaw at kapag ginagawa nito iyon ay gumagalaw ang tasa ng kape ng mga kasama nito sa office. Nang dahil doon ay weekly na sumasailalim sa earthquake drill ang mga empleyado ng HELLER. At ban na sa opisina ang mga kanta ni Lady Gaga na hilig nitong isayaw. Ito ang numero unang inggitera sa office. May pagkabobita pa ito. Inaanak ito ng asawa ng big boss kaya medyo malakas ito sa management.

Mapapahinto si Mica sa pagnguya ng Pringles at sisimangot habang nagdaraan si CATHY (21) bagong hired na call center agent. Hindi naman kagandahan si Cathy ngunit pang-VIVA Hotbabe ang katawan nito. 36-25-35 ang vital statistics nito. Parati pang nakaluwa ang dibdib nito at halos nakalabas na ang kuyukot sa iksi ng damit. Pantasya ito ng bawat kalalakihan sa office na feel na feel naman nito. Usap-usapan sa office na kabit ito ng big boss na ang pinagmulan ay siyempre ay si Loisang tsismosa.

Ipi-flip ni Cathy ang buhok nito dahil titingin si ERVIN (27), ang hunk sa office pero hindi rin naman kaguwapuhan. Ito ang official manyak sa HELLER. Hilig nitong sirain ang aircon sa office para mainit dahil gusto nito na lagi itong nakahubad at ipinapakita ang six-pack abs nito na siyang gustung-gusto naman ni Mica dahil crush na crush nito si Ervin. Kahit nagmamantika na si Mica sa pawis ay okay lang na walang aircon basta nakikitang shirtless si Ervin.

Pi-picture-an ni Ervin—gamit ang cellphone nito—ang puwitan ni Cathy nang makalagpas na ito. Sisipol sana ito ngunit papasakan ni Mica ng Pringles ang bibig ni Ervin at halos mabubulunan ito. Makikitang naggigiritan ang mga ngipin ni Mica.

MICA (V.O)
Peste talaga itong haliparot na babaeng ito. Mamaya ka sa ‘kin. Lalagyan ko ng thumbtacks ang chair mong malandi ka! Hmp! Imbyerna! Teka, ano bang spelling ng thumbtacks? Thambtucks o thumbtucks? Hmmm… mai-Goggle nga.

Pagtingin ni Mica sa LCD monitor ni Ervin ay wallpaper na nito ang picture ng puwit ni Cathy. Lalo itong ma-iimbyerna.

MICA (V.O) (CONT’D)
I changed my mind. Hindi na thumbtacks ang ilalagay ko sa chair ng Cathy na iyon. Pako na! Yung concrete nail at–

LOISA
Alam mo ba ang nasagap kong tsismis tungkol–

Pahihintuin ni Mica si Loisa sa pagsasalita sa pamamagitan ng pagtakip sa bibig nito ng palad.

MICA
Istorbo ka sa voice over dialogue ko. Hindi pa ako tapos mag-voice over. Patapusin mo muna ang dialogue ko, okay?

MICA (V.O) (CONT’D)
Nasaan na ba ako? Epal kasi itong si Loisa. Ah, doon sa concrete nail na ilalagay ko sa chair ng malanding Cathy na iyon. Tingnan ko lang kung ma-picture-an pa ni Ervin ang puwit niyon nang may nakatusok na mga pako. Bwahahaha! Bwahahahaha! Bwahahaha!

Uubu-ubo si Mica. Masosobrahan sa voice over na tawa ang bruha. Babaling ito kay Loisa.

MICA
O, Ate Loisa, anong gusto mong i-tsismis?

LOISA (Mukhang galit)
Tse! nawala na ako sa mood mag-tsismis!

Papawiin ni Mica sa mukha nito ang tumalsik na laway ni Loisa.

MICA (V.O.)
Ang arte. Masyadong sensitive. Hindi naman kagandahan. At saka ikaw pa, mawawalan ng mood sa tsismis. Weh?

LOISA (V.O)
Letseng dabyana ito. Sinupalpal ang dialogue ko. Hmp! Mabulunan ka sana sa katakawan mo! Hindi na kita ipo-poke sa Facebook! Tse!

May tutunog sa headphone ni Loisa. May tumatawag na costumer.

LOISA (pasungit)
HELLER, how may I help you?

CALLER (male voice)
Hi! This is Leo. I have a very huge problem with my computer. Can you help me get through with this? I am so upset, I can’t see my pictures in thumbnails and I can’t seem to find Windows Movie Maker in here.

LOISA
What’s the operating system?

CALLER
Windows 98.

LOISA
Windows 98??? Eh, tanga ka pala, no! Wala namang Windows Movie Maker sa 98! Wala ring picture thumbnail feature dyan. Ang dapat mong gawin, itapon mo na ang PC mo at bumili ka ng bago. Peste! Ke-aga-aga panira ka ng araw. Pa-english-english ka pa, windows 98 lang pala ang gamit. Chipipay! Kung tsismis ang sinabi mo sa akin, baka natuwa pa ako sa ‘yo. Tse!!!

Puputulin ni Loisa ang tawag at ilalagay ang caller sa barred caller list. Magkakamot ito at mahuhulog ang sangkaterbang balakubak nito sa sahig kung saan winawalis ni MANANG ETEL (48), ang janitress na parang laging may PMS sa kasungitan. Busangot ang mukha nito at magsu-suicide na lang ang painter kaysa ipinta ang mukha nito. Iniwan kasi ito ng asawa kaya siguro ganoon ito.

ETEL (pabulong)
Bwiset! Nagkalat na naman ang balakubak ng tsismosang ito. Malunod ka sana sa balakubak mo isang araw.

LOISA
Ano kan’yo, Manang Etel?

ETEL (pasikmat)
Ang sabi ko, bakit hindi mo subukang gumamit ng anti-dandruff shampoo at nang hindi na ako napapagod sa kakalimas ng mga balakubak mo!

Hindi makapaniwala si Loisa ngunit hindi nakahirit dahil umalis na si Etel. Mabilis niyang bubuksan ang kanyang Facebook at gagawa ng hate page ni Etel.

LOISA (V.O)
Bwiset kang janitress ka, ha. Eto ang sa ‘yo.

Muli ay magkakamot ito. Tipong imyernang-imbyerna. Lilipad ang dandruff nito sa susundan ng camera patungo sa Pringles can ni Mica na hawak nito.

Busy sa paggu-Google si Mica habang naghihintay ng tawag. Ita-type sa search bar ang mga katagang: “How to put concrete nails to a whore’s *ss”. Magugulat siya dahil puro porn site ang lalabas. Bigla ay marami nang magpa-pop up na mga X-rated na larawan. Hanggang sa mapuno ng pop-up ang monitor niya. Matataranta ito. Mapapatingin roon si Ervin na manlalaki ang mga mata.

ERVIN
Wow! Anong site iyan? Parang hindi ko pa na-visit iyan, ah.

MICA
Bakit? Ilang porn sites na ba ang na-visit mo?

ERVIN
Siguro mga nasa ten.

MICA (matatawa)
Ten lang pala. Akala ko pa naman mga one hundred na. Hindi ka naman pala ganoon kamanyak gaya ng sinasabi nila.

Hahampasin ni Mica sa balikat si Ervin na muntik nang ikabagsak nito sa sahig dahil sa bigat ng kamay ni Mica.

ERVIN
Ang ibig kong sabihin, ten thousand. Puwera pa ang mga pop-up na ganyan.

Bigla ay dadaan si JUANITA (48), ang supervisor na masungit, mataray, laging nakasigaw at maaskad ang mukha. Palibhasa virgin pa. Conservative ito. Galit ito sa mundo. Lalo na sa mga babaeng active ang sexual life na tulad ni Cathy. Lihim itong may pagnanasa sa big boss kaya galit ito kay Cathy na natsi-tsismis na may relasyon sa boss.

Manlalaki ang mga mata ni Juanita dahil makikita ang monitor ni Mica. Si Ervin ay mabilis na inalis ang wallpaper dahil baka masita rin ito.

JUANITA (pasigaw)
Ano iyan?!!!

MICA
Eh… Ma’am… porn?

JUANITA
Malaswa! Kelaki-laki ng katawan mo, nakukuha mo pang maisip ang sex! Sinong may sabi sa ‘yong magbukas ka ng porn site dito?

MICA
Wala naman po. Hindi ko naman sinasadya, eh. Sine-search ko lang naman po sa Google kung paano ako makakaganti kay Cathy pero iyan na ang lumabas.

JUANITA
Sa uli-uli, kapag nag-search ka sa Google, huwag mong i-type ang pangalan ni Cathy para walang nagpa-pop up na porn. Naiintindihan mo ba?

MICA
Opo.

Aalis na si Juanita. Magta-type si Mica sa Goggle ng “How to put a concrete nail to an old maid’s *ss.” Ang lalabas ay “Your search did not match any documents.”

Lilipat ang shot kay Cathy na nasa desk nito at nag-a-apply ng lipstick. Hihinto ito sa paglalagay ng lipstick dahil may tawag na dumating.

CATHY (seductive voice)
HELLER, how may I help you?

CALLER (deep male voice)
Hi, I have a problem with my bluetooth dongle. Whenever I try to send a file from my computer to my phone it always says, the bluetooth device or computer cannot process file of this type. What shall I do about this?

CATHY (seductive voice)
Hmmm… Why don’t you just remove your bluetooth from your PC and stick it straight right into… *censored*

CALLER
Hmmm… I like that.

CATHY (moans)
I like that, too…

Bigla na lang may babatok sa ulo ni Cathy. Sisinghap ito dahil makikita nito si Juanita.

JUANITA
Ilang beses ko bang sasabihin sa ‘yo na hindi ito phone sex agency!

Lalabi si Cathy.

CATHY
I’m sorry, Ma’am. Nakalimutan ko na naman. Pero promise, hindi na mauulit.

JUANITA
Malandi! Malaswa! Kunin ka na sana ni Satanas!

Iirap si Juanita at aalis na. Babalik si Cathy sa kausap. Deadma lang sa mga sinabi ni Juanita.

CATHY
Where am I? Oh, I will shower your chest with wet kisses down to your stomach and… *censored* XXX

INTERCUT WITH:

2. INT. BOSS’ PRIVATE OFFICE – DAY

Nakaupo sa executive chair nito si SIR EDGAR MORATO (53) pero mas mukhang bata sa edad. Alaga kasi ni Belo ang kutis at ng chicks ang libido. Ito ang big boss ng HELLER. Hindi naman masasabing guwapo ito pero animalistic ang dating nito. Makapal ang bulsa at makapangyarihan ito. At dahil doon ay maraming babae ito. Mas babaero pa ito kay Ervin. Mahilig ito sa bata. Basta sexy—kahit mukhang palaka—ay pinapatulan nito. Buwaya ito. Yumaman ito dahil sa angking kasuwapangan. Ang motto nito ay “It is better to receive than to give.” Kaya ang mga empleyado nito ay diyeta sa suweldo at incentives rito.

EDGAR
Hmmm… I think my bluetooth dongle is working now…

Nakadikit sa tainga ang telepono nito. Matutuklasang ito pala ang kausap ni Cathy.

CATHY
I told you… I… (bleep sound for the censored words)

Ipagpapatuloy ng mga ito ang kalaswaan. Biglang may magbubukas ng pinto ng silid kaya hihinto ito sa ginagawa. Papasok sa pinto ang asawa nito na si LARA (50). Chubby ito at puno ng mamahaling alahas ang katawan. Ito ang vice president ng HELLER ngunit bihira itong magpunta sa opisina dahil busy ito sa casino. Bungagera ito at mas malakas pa sa megaphone ang boses nito kapag binubungangaan si Edgar.

Tatayo si Edgar at mabilis na ibaba ang telepono. Sasalubungin nito ang nakasimangot na asawa. Yayakap ito kay Lara.

EDGAR
Sweetheart! Bakit nandito ka?

LARA
Dahil nabalitaan ko na may relasyon kayo ng isa sa mga empleyado mo!

EDGAR
Hindi totoo iyan! Wala akong relasyon kay Cathy.

LARA
Sino si Cathy?

EDGAR (natitigilan)
Hindi mo kilala si Cathy?

LARA
Hindi.

EDGAR (V.O)
Lintik! Hindi pala niya alam ang pangalan ng babae ko. Ibinuking ko pa ang sarili ko. Mukhang dapat pala Juanita ang sinabi ko. Para hindi siya naniwala na nambababae ako.

LARA
Hayup ka! (pagbabayuhin nito ang dibdib ng asawa) Kailangan kong makausap ang Cathy na iyan!

May mahuhulog mula sa palad ni Lara. Sabay pang mapapatingin ang dalawa. Dadamputin iyon ni Edgar at tititigan. Focus shot sa hawak ni Edgar. Matutuklasang isa pala iyong casino chip. Sisinghap si Lara at kukunin iyon mula sa kamay ni Edgar.

LARA
May chip pa pala ako! Kailangan kong bumalik sa casino!

Mabilis na aalis si Lara at maiiwan si Edgar. Magkikibit-balikat lang ito at muling tatawag sa linya ni Cathy.

EDGAR
I want to *bleep *bleep *bleeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeep

CUT BACK TO:

CATHY
Oh, yeah… *bleep *bleep *bleeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeep

Makikitang nagdaraan si DODIE (25) o DONNA sa gabi, ang baklitang supladita, maldita, feelingera at social climber much. Isang taon pa lamang ito sa HELLER ngunit kung umasta ay parang ito na ang supervisor. Laging nakataas ang kilay nito. Tulad nina Mica at Juanita ay ni-like din nito ang hate page ni Cathy sa Facebook na misteryoso kung sino ang creator. Pinagnanasaan rin kasi nito si Ervin.

Iigkas ang kilay nito nang marinig ang pakikipag-phone sex ni Cathy.

DODIE (V.O)
Makati! Imbyerna ka talagang bruhita ka! Nanginginig ang mga kilay ko sa pagka-imbyerna sa ‘yo ever!

Lalagpasan nito si Cathy at daraan kay Ervin na makikita nitong nakikipag-chat sa Windows Messenger. Ngingisi ang bakla at mawawala na sa shot na mananatili kay Ervin. Enjoy na enjoy ito sa pakikipag-chat sa babaeng chatmate. Biglang may nag-pop up na message box mula sa isang nagngangalang Dyosamia88.

The chat reads like this:

DYOSAMIA88:            Hi Hardy69! Asl?
HARDY69:               27 m Manila. U?
DYOSAMIA88:            22 f Cebu
HARDY69:               Layo mo naman.
DYOSAMIA88:            Di bale maganda naman. lol
HARDY69:               Talaga? Vital stats, pls?
DYOSAMIA88:            36-25-35
HARDY69:               Wow… webcam?
DYOSAMIA88:            Sorry. Broken webcam. Pix na lang.
HARDY69:               Sure!

Manlalaki ang mga mata ni Ervin sa nakitang picture na ipinadala ng bagong chatmate. Napakaganda at sobrang sexy ng babae.

ERVIN (V.O.)
Wow. Talbog si Cathy.

Mabilis niyang papalitan ng picture ng babae ang picture ng puwit ni Cathy bilang wallpaper ng monitor niya.

Shot slowly switches to Dodie’s desk. Makikita ang kaparehong message box na nakita sa monitor ni Ervin. Matutuklasang si Dodie pala si Dyosamia88.

DODIE (V.O)
Hay, Ervin. Kung ito lang ang paraan para pagnasaan mo ako kahit kunwari lang, gagawin ko. (Titingin sa picture ng magandang babae) May pakinabang ka rin pala, pinsan. Kahit imbyerna ang beauty ko sa ‘yo dahil mas maganda ka sa akin. Ang katawan mo ang pagnanasaan ni Ervin pero ang kaluluwa ko ang mamahalin niya.

Patuloy siyang makikipag-chat kay Ervin bilang si Dyosamia88. Ngunit titigil siya pansamantala sa pakikipagharutan dahil mapapatingin siya sa pinto gaya ng ibang mga naroroon. may dumating na bagong character sa Office From Hell–er…

*CREDITS ROLLING

END OF EPISODE 1

******Watch out for more characters and episodes. Iyon ay kung sisipagin ako. Bwahahahaha!

About

You may also like...

One thought on “AN OFFICE FROM HELL STORY

  1. Enjaye

    March 3, 2011 at 8:35am

    wow… super like! hehe aabangan ko po ang next epi.. XDD

    Permalink  ⋅ Reply
  2. iamsabbie

    March 3, 2011 at 10:57am

    Puahahahaha!!! I love it. More more more!!! Nabitin aketch. XD

    Permalink  ⋅ Reply
  3. Anonymous

    March 3, 2011 at 3:45pm

    More pa po Te' Heart!!!

    Permalink  ⋅ Reply
  4. zterzterzter

    April 2, 2011 at 6:25am

    Ayos… Aabangan ko ang susunod.

    Ganito din pala ang format ng script ng Filipino…

    Permalink  ⋅ Reply

Any comments?