I Love This Parteyy. (ulit)

Dahil sa katangahan ko, na-delete ko nang di ko namamalayan ang previous post ko. Argh. Kaya ulit! Ulit!

Anyway, baka ayaw ng blogger na puro si fafa JM na lang ang ikuwento ko sa christmas party ng abs-cbn noong Dec. 18 sa PBB activity hall. Kaya sige na nga, I’ll enumerate the highlights of that night…

1. Late kami dumating sa party (kasama ko si Sofia, ang publisher namin, editor-in-chief, dalawang editor at proofreader. Sayang di namin naabutan sina Toni Gonzaga at Melai Cantiveros. Sobrang likey ko pa naman ma-meet sila.

2. I met Johann Santos of PBB double up na gumanap sa role ni Donnie sa “Love Me Again” na novel kong naging TV series sa PHR Presents. Nag-thank you siya sa akin for my novel at napaka-approachable niya. Nakita ko din si Cathy Ramperas pero di ako nagpa-picture with her. Hehe.

3. Nakita ko din sina Wendy Valdez na naghe-hello ang boobs, Bangs Garcia na very pretty pala sa personal, Charee Pineda na parang doll sa prettiness, Hermes from PBBdu na sobrang payat, Bernard Palanca na sabi ni sir nakakatakot daw parang nagma-massacre LOL, Zanjoe Marudo na parang wala sa mood, Cristine Reyes na nagwala sa stage nung tipsy na, Kaye Abad na hawig ko raw (Char!), Ivan Dorschner na ala-Edward Cullen sa puti, Sid Lucero, Sam Concepcion, atbp…

4. Nakita ko rin sina Joe, Patrick & April ng PBB teen clash pero di ako nagpa-picture with them. Baka isipin pa nila fan nila ako hehe.

5. Tumagay kami ng The Bar Strawberry. Kalahati pa lang, parang medyo tinamaan na ako. Sobrang tagal na kasi since the last time I drank alcoholic beverages.

6. At dahil nakainom kami, sumayaw kami sa harap while a band was playing. We danced with the stars. Sobrang saya lang. Tanggal lahat ng stress.

7. Si Direk Lauren Dyogi lasing! Sumayaw siya sa stage! hihi. Kalorkey. Ang kulet.

8. Si Rafael Rosell with his nerdy glasses naki-groove sa amin sa dancefloor.

9. Umakyat ako sa stage with Janis (PHR proofreader). Jammed with Bernard Palanca who was singing that time.

10. We met Ms. Linggit Tan. Ambait! Si Direk Cathy Garcia Molina, very cool!!!

Pwede kay JM de Guzman na? LOL

JM hugged me from behind noong picture-an na. Sweeto!!!! Sobra kilig ko, I ruined the pic with a big grin. Kilig lang kasi ako lang ang niyakap niya nang ganoon sa aming lahat… ayieeeeee

Ang cute-cuteeeeee namin ni JM o! Hindi kami tao, di kami hayop. Bagay kami! Bagay talaga….

Isinayaw ako ni JM maya-maya. Ayieee! He held my hand and made me twirl. Then he pulled me towards inside his arms. 🙂

Feeling ko na-harrass ako ni JM (feeling ko lang un) Kaya gumanti ako. Ninakawan ko siya ng halik bago kami umalis sa party. Haha!

Take note: lasing ako… at lasing din siya:)

For more pics: http://www.facebook.com/album.php?aid=344661&id=650214837&l=9636d9ea5e

About

You may also like...

One thought on “I Love This Parteyy. (ulit)

  1. intin

    December 30, 2010 at 8:50am

    o sya. ikaw na ang na-harass ni JM, haha 😉

    Permalink  ⋅ Reply

Any comments?