How A Writer’s Brain Works…

Girl: Tinext ko siya kagabi. Umamin na ako ng feelings sa kanya… pero hindi siya nag-reply. Dinedma niya lang ‘yong confession ko. (teary-eyed)

Non-writer Friend 1: Baka tulog na kaya hindi nag-reply. Sana kasi tanghali mo tinext. Hindi gabi.

Non-writer Friend 2: O kaya baka wala lang pang-reply. Sana pinasahan mo ng load.

Non-writer Friend 3: Baka naman hindi natanggap ang text mo. Hindi naman reliable ang text. Minsan, hindi napapadala sa recipient kahit na-send mo na. Sana d-in-ouble send mo para naka-sure kang nakarating.

Writer Friend: O kaya naman baka naiwan niya sa sala ang cellphone niya nang dumating ang text message mo. Pumasok ‘yong kapatid niyang three years old at pinaglaruan ang cellphone niya. Baka walang password ang cellphone niya kasi tamad magre-enter ng password maya’t-maya o mag-draw ng pattern code ang mga lalaki. Abala kasi. Napindot nang napindot ng bata ang cellphone niya hanggang sa hindi sinasadyang mabuksan at mabura ang text mo. Kaya pagkuha niya ng cellphone niya, wala na siyang nabasang bagong dating na text. Puwede rin namang ‘yong kapatid niyang teenager, gustong bumoto sa PBB na one vote per sim lang kaya pinakialaman ang cellphone ng kuya nang hindi nalalaman ng may-ari para makapag-send ng isa pang boto para maligtas ‘yong bet niya sa PBB at nang di ma-evict.  Pero aksidenteng nabuksan ng teenager ‘yong bagong dating mong message. Siguro naisip nung teenager na kapatid na masyadong private ‘yong message na nabuksan at siguradong magagalit ang kuya kapag nakitang nabuksan na ‘yong text kaya binura na lang ‘yong message para kunwari wala na lang dumating at nang di malintikan ‘yong teenager. O puwede rin namang medyo maldita ang teenager at ipinabasa pa sa nanay nila ang text message na aksidenteng nabuksan. Eh, hindi nagustuhan ng nanay ang nabasa kaya ang nanay na mismo ang nagbura para hindi na mabasa pa ng anak. It’s either hindi sang-ayon ang nanay na ang babae ang nauunang umamin sa lalaki at naisip ng nanay na maharot ang babaeng iyon kaya hindi na agad gusto para sa anak ‘yong babae o ayaw ng nanay na magka-girlfriend ang anak dahil kung magkaka-girlfriend siya ay tutustusan niya ‘yong babae kaya mababawasan ngayon ang inaabot na suweldo ng anak sa nanay. O kaya naman naiwan niya ang cellphone niya sa bingit ng side table ng kama niya. Nag-vibrate nang nag-vibrate noong pumasok ang text message mo. Nahulog sa tiles. Eh hindi pala shock proof, kaya hayun may basag na nga, ayaw pang bumukas. O puwede rin namang bago ka pa nag-text, nasa back pocket ng pants niya ‘yong cellphone niya tapos nang magna-number two na siya at naghubad ng pants, nahulog ‘yong cellphone sa toilet bowl. Basa. Ayaw nang bumukas. Or worse, baka nahulog ang sabon niya sa banyo at hindi niya dinampot dahil tinatamad siya kaya nag-backfire sa kanya ang kasalaulaan niya, hayun nadulas siya. Tumama ang ulo niya sa toilet bowl kaya unconcious pa rin siya hanggang ngayon. Paano naman niya mababasa ang text message mo kung comatose na pala siya ngayon, ‘di ba? Pero sana naman hindi siya napahamak nang ganoon. Baka may pumasok lang na akyat-bahay sa kanila kagabi at ninakaw ang lahat ng gadgets niya kaya hindi na niya nabasa ang text mo kasi wala na sa kanya ang cellphone niya. Mas okay naman ang mga naisip kong posibleng nangyari, ‘di ba, kaysa naman hindi ka lang talaga niya gusto kaya binura na lang niya ang text message mo at nag-decide na iwasan ka na lang dahil na-turn off siya sa ginawa mong pagco-confess ng feelings for him?

Girl, Non-writer Friend 1, 2 and 3: (Ngangabels)

So, do you want to be my friend? LOL

About

You may also like...

One thought on “How A Writer’s Brain Works…

  1. Rowaanne

    January 9, 2017 at 1:34am

    Grabe utak ng isang writer. Nakagawa na agad ng mga senaryo. Haha well writer nga e. Galing! ????????????

    Permalink  ⋅ Reply

Any comments?