Whatevah!

Just whateverevah.

Liwaliw sa EK

3

Isang araw, nag-trip lang kami ng mga co-writers ko sa PHR na sina Cherie, Pret at Amor na magliwaliw sa Enchanted Kingdom. Akala namin since weekday kami pumunta, medyo konti lang ang tao so masasakyan namin lahat. Pero wapak pagpunta namin, sangkaterba ang bus. Fieldtrip ng mga bata! Deng! Napakainit ng araw na iyon. At kasalanan ni Pret ito. Kasi nag-wish siya ng “sunny day, sunny day” sa Twitter. sabi ni Cherie, dapat “sunny day” lang para di ganun kainit. Feeling ko nagka-sunburn ako sa init sa pila papasok pa lang sa park. Pero dahil matikas kami, kahit mainit picture-an agad sa ilalim ng araw!

 Una naming sinakyan ang Jungle Log Jam. Di ko alam kung bakit dito pa lang feeling chicken na ako. Di naman ako uminom ng kape para nerbiyusin ng ganun. Ang taas naman kasi ng babagsakan ng log ride. Sa Wild River ng Star City, di naman masyado. So, para mawala ang kaba, picture-an na lang muna habang nasa pila.

Nung sumakay na kami, excited ako and at the same time kabado. Si Cherie antikas, babagsak na lang kami at lahat pababa, nakuha pang mag-picture. haha!

Sabi ni Pret sa akin, sana raw sumigaw ako nung pababa na kami para daw di ako natakot. Narinig ko nga siyang sumigaw. Tahimik lang kasi ako nakayakap sa likuran niya. Nevertheless, nairaos ko rin ang Jungle Log jam. Yey! Next stop: Space Shuttle Max. Deng! Ayoko nung una. Feeling ko aatakihin ako sa puso pag sumakay ako dito.

  It’s not as if di ko kayang sumakay dito. Sumakay na rin ako sa Cyclone Loop sa Star City noon. Nagkataon lang na that day, wala ako sa mood na umastang matapang. Duwag ako sa araw na ito. Pero dahil nandoon na rin lang ako sa Enchanted Kingdom, KJ naman kung di ko susubukan. At saka ang fake naman kung nagpa-picture ako sa harap ng Space Shuttle pero di pala ako sumakay.

Kaya sabak kung sabak! Tagal din namin pumila. Lanya, puro mga bagets kasabayan namin sa pila. Ang tatapang ng mga batang ito, Sa loob-loob ko. Daig pa ako. Parang may sangkaterbang paru-paro sa sikmura ko habang papalapit nang papalapit kami. Nagrarambulan sila promise. Parang gusto ko ng mag-back out. sabi ni Pret, “Isigaw mo lang ang kaba mo. Sumigaw ka lang.” So sinunod ko siya. Nung nakasakay na kami, bongga, naloka ako sa kakasigaw. Feeling ko hinahagis ako sa ere, binabalibag, pinapagpag. Parang biglang tumalon ang puso ko palabas ng dibdib ko. Nung natapos na, HEAVEN. Damn, I survived the Space Shuttle. Sabi ko sa sarili ko, iba-blog ko ito. Achievement na ito para sa akin. hehe. Pero teka, may napansin ako. Parang hindi ko yata narinig na sumigaw si Pret na katabi ko sa seat. Diyatat….! Ang daya! Sabi niya, isigaw ko lang, bakit siya hindi sumigaw? Iyon pala, nawalan daw siya ng energy kaya hindi siya nakasigaw. (Bulong: natakot si Pret, ayaw lang niya aminin hehehe) At dahil diyan, kumain na lang kami ng ice snack sa Ice Monster.

Next ride: RioGrande Rapids. Ito ang may pinaka-pinaka-pinakamahabang pila. Tapos ilang beses pa kaming nasingitan. Tsktsk. Okay lang siguro mga bata ang maningit kasi mga bata un eh. Kaso mga matatanda pa sa amin ang sumingit. Ang mga hitad, nakuha pang magpa-picture at magposing sa pilang isiningit nila. Di na nahiya. Hay, nakakalungkot na may mga matitigas ang mukha na tulad nila. Kaya nag-trip na lang kami habang naghihintay sa pila para maibsan ang pagka-bad trip namin.

Sa Rio Grande kami pinakanag-enjoy. Kahit lumabas kaming basang-basa. Ang dami naming tili at tawa everytime nababasa kami. Haha. Si Cherie yata ang pinakanabasa pero ipinagmalaki pa niya sa camera:)

So, para matuyo ang pagkabasa namin, sumakay kami sa Flying Fiesta. Ito ang pinakamasarap na ride for me. Ang sarap nung iniikot ka sa ere. Unfortunately, malabo ang mga kuha namin ng pictures kaya wala akong maipopost:) Next stop: Rialto Theater.

Habang nakapila kami, sabi namin out of desperation sa paulit-ulit na paghihintay sa pila, pano kung biglang na-cut sa amin ang pila sa pagpasok sa theater. Ang tikas! Nangyari nga! Yung sinundan namin, sila yung pinakahuling pinapasok sa sinehan. Na-cut sa amin ang pila! Lesson learned: Wag magbiruan ng di maganda, baka mangyari! Paglabas sa Rialto, takbo kami sa Wheel of Fate.

Kakalula! Paslit pa ako nung huli akong sumakay sa Ferris wheel. may fear of heights kasi ako. Pero this day, medyo na-conquer ko ng slight ang aking fear. Yey! Nakasakay uli ako ng Ferris wheel! Unfortunately, iyon na ang huling ride na nasakyan namin dahil pasara na ang EK. Kasi naman ang daming tao at kehahaba ng pila! Argh. Di tuloy ako nakasakay sa Grand Carousel. Nagpa-picture na lang tuloy ako.

At syempre, bago kami umalis, di puwedeng di ako makapagpapicture kay wizard. Wahhh! Ang KJ kasi ng EK, Sana extended ang open hours nila. Di ko tuloy nasakyan ang EKxtreme! Char! Kala mo kaya eh:)

I love my EK experience kahit bitin. I had fun, really. Promise, may part two. Lahat na sasakyan namin nang bonggang-bongga:)

3 Comments

  1. pretskipopski

    ngayon ko lang nabasa ito.. indi ako natakot sa space shuttle *kuntodo iling* hmmmmmmp! slander iyan, mare! nawalan talaga ako ng energy, pramis. hehe.. alam ko na ang perfect date na makapag-EK next time.. walang kasabay , nai-tip ng pinsan kong magaling 🙂

    ano na ung TREETOP natin?

    Reply

So, what do you think ?