Whatevah!

Just whateverevah.

Hidden Valley Springs

0

We went to Hidden Valley Springs in Laguna for a brainstorming session last June, 2011. (Now ko lang na-post) Para akong nabaldog sa tindi ng hagupit sa ulo ko ng refresher/brainstorming. Kalorkey. Naubos ata ang braincells ko. Anyway, the place is nice naman. Kaka-relax. Tapos nung naggala kami, nabawasan ako ng 1 pound at naligo ako sa pawis sa init. But it was a nice experience. Di ko lang akalain na ganoon kalayo yung lalakbayin, naka-torn jeans pa ko! Hiking pala yun kala ko dyan-dyan lang. Mali ang dresscode ko. Konti lang pics na pinost ko. Tinatamad ako 😀

Sadako Paroon

 Habang naglalakbay kami ni Sonia Francesca papunta sa Hidden Falls, nakakita kami ng balon. Dahil wala akong tulog, napagtripan ko i-impersonate si Sadako. But Sadako with bangs and red nail polish na nakasuot ng astig na rockstar duds–graffiti shirt & torn jeans. Hehe..

Super Duper Hidden Falls

 Hidden Falls. Narating namin ito after 48 years dahil sa sobrang hidden. Sa haba ng nilakbay namin, nirayuma kaming apat. Pero worth it naman kasi maganda sya sa personal. Bad trip lang kasi malayo. Di malapitan. But it’s cool! At least, di na sya hidden ngayon dahil nakita na namin 😀

Giant Tree

 Hindi ako duwende. Talaga lang higante yung puno sa likod ko. That’s the tallest, biggest tree I’ve ever seen! Astig talaga! Medyo creepy lang para kasing manlalamon sa laki.

Lunch Hut

Dito kami nagla-lunch. Noong una naming lunch, marami kaming nakasabay na Koreano. Kumakanta pa sila ng sojo song hehehe. Ewan ko kung anong kanta ‘yon, syempre diba di naman ako Koreana? Hello? Tapos nagkakalampag sila sa tables nila. Ewan ko kung anong klaseng trip nila. Bad trip lang walang kasing guguwapo nila Lee Dong Wook or Lee Min Ho sa kanila.:D

Nag-iinarte lang sa bridge. Overlooking yung hidden pool kung saan nag-night swimming kami nang bongga!

Hidden Pool

Natural Pool. Ganda sya sa daylight. Umuusok sa night time. Bonding/relaxing time namin pagkatapos ng makasunog braincells na brainstorming/refresher. May picture ako na naka-2 piece dito. Itatago ko na lang baka maging sex symbol pa ko bigla hehe..

Naloloka Pose

 May nag-comment sa FB, para daw isang eksena sa Koreanovela. Kako, yes naman, tapos yung bida e retarded. hehe. I love the pathway. nakaka-relax yung view. Sarap magtatalon at gumulong-gulong kung di lang talaga mahahalatang retarded.:D

Massage gazebo? whatever. Basta cute dito. Sa balcony katabi overlooking sa ibaba yung soda pool. Pwede manilip don. Sana lang merong kasilip-silip. Wala yata akong nakitang may abs sa mga lumalangoy 😀

Seksi Star… hehe

Scandal ko. May nip slip kasi. Kaya may star. Natawa lang ako nung napansin ko. hehe hehe hehe hehe hehe…

So, what do you think ?