Whatevah!

Just whateverevah.

AlDub’s First Date

0

Naging busy. Hindi nakanood ng replay ng ‪#‎ALDUBMostAwaitedDate‬ noong Sabado. Kaya ngayong free na, pinanood ko ulit.

So, here are my thoughts about last Saturday’s episode…

Before the first date, here are my expectations:
*Maine and Alden would sit beside each other at the bench where Alden always sits at the little park in Broadway.
*Magse-share ng candies, isaw, kikiam, ice cream at isang cup ng Starbox na may iisang straw. Haha!
*Pupunta sa little bridge kung saan naka-lock ang locks of love nila. Sabay silang hahawakan iyon at hindi sinasadyang magdidikit ang dulo ng mga daliri. Parehong magugulat at magbabawi ng mga kamay. Tapos magkakahiyaan pero parehong kikiligin.

Reality:
Bago mag-date, may matching game at maze pa pala! At first, isa ako sa mga na-disappoint. Anubahh! Sayang ang oras! Dapat date na agad kasi iyon ang gusto namin, natin! Time check: alas dos na! May curfew si Yaya. Kailangan bago matapos ang EB, makabalik na siya kay Lola Nidora. Then I realized… hmmm, mukhang sadyang inuubos ang oras para saglit lang magkita. Naisip ko, okay, I get it. Hindi pa ito ang pinakahihintay na “tamang panahon.” Another teasing episode. Again. But it’s okay. Sanay na ako. Sanay na akong umasa at masaktan. At I’m sure kayo rin. Haha. (Sige, hugot pa. :D)

The matching game was really fun though. Hindi scripted ‘yong mga sagot nila, ‘di ba? The game heightened the thrill and excitement of the viewers, as well as of Maine and Alden. Kita sa faces nila na lalo silang nae-excite as they took steps closer to each other.

Hanggang sa nagkakatanawan na sila. Itong si Maine, nagtatago pa sa mga halaman habang si Alden humahaba ang leeg katatanaw sa kanya. Doon pa lang, ramdam ko na ‘yong kaba sa dibdib ni Maine, pati pag-tumbling ng puso niya at the sight of Alden again.

More likely these are what were running through her mind that moment:
*”Uy, ‘eto na naman tayo, eh. Ayan na naman siya!!! A few steps closer na naman siya from me!”
*”Paano kapag nagkaharap na talaga kami? Anong sasabihin ko?”
*”Kaya ko kayang salubungin ang titig niya?”
*”Sana ‘wag akong mahiya kapag kaharap ko na siya.”
*”Pero I feel so shy ngayon pa lang kaya nga ipinagsisiksikan ko sarili ko dito sa halamanan ngayon. Anubahh!”
*”Hoy puso, kalmaaaaa!!!”

Kaya nagtakip si Maine ng roses noong kailangan na niyang lumapit sa table. Nahihiya siya! It seemed as if she could not handle his stare. Naroong napapayuko siya, nag-iiwas ng tingin, tinatakpan ng kamay ang mukha. As a girl, I could totally relate to her actions. I have expected that somehow. What I did not expect was to see Alden looked shy also! Haha! Napansin n’yo rin ba? Halatang naghahanap siya ng sasabihin. Mukhang kabado rin sa first date si Tisoy! Haha! Pero ang titig niya, intense. Kaya tuloy conscious na conscious si Maine.

I loved their reactions. Real na real, both of them. Maine was giggling the whole time. She looked ecstatic. Alden could not seem to take his eyes off Maine. He looked dreamy and seemed in bliss.

And what I really loved about this episode was the fact that they talked to each other already! THEY TALKED ALREADY. *ngisay* Iyon nga lang, out of our earshot. frown emoticon Ano kayang pinag-usapan nila, no? Naintindihan ko lang ay ‘yong nag-usap sila tungkol sa naiinitan na sila sa suot nila.

By the way, I hate that loooong table. Sarap sibakin at ipanggatong.

So, expectations vs reality? Mukhang mas exciting pa rin ang kinalabasan ng reality kahit bitin. hehe. I am still willing to wait for the REAL “tamang panahon” o “bilang na panahon” na sabi ni Lola Nidora kanina. As if I have a choice. Haha.

PS. May second date! Ito na ba ang totoong “tamang panahon?” (asking for the nth time)

PPS: Mukhang makakapagsalita na si Yaya Dub. Pero sa tingin ko, makakapagsalita man siya pero saglit lang. Hindi din magtatagal at babalik siya sa pagda-dubsmash. Baka iparinig lang ang boses. Kasi parang ang awkward kapag nagsasalita na siya. After all, iyon naman talaga ang character niya–nagda-dubsmash. I also want to hear her speak but I still prefer her doing the dubsmash.

PPPS. Inamin na ni Alden during the ATM segment na kinilig siya noong nagkita sila ni Maine sa first date nila. So, sa mga nagdududa sa feelings ni Alden for Maine, solb na ba kayo? grin emoticon ‪#‎ALDUBTheTRIALS‬

So, what do you think ?