Whatevah!

Just whateverevah.

Happy 2nd Monthsary, AlDub!

0

I actually bought a cake for AlDub’s 2nd monthsary. Look how such a fangirl I am I don’t recognize myself anymore. LOL.

Sa mga ganap kanina sa Kalyeserye, for sure, di pa kayo maka-get over. Ako din. Kahit nilantakan ko na ‘yong monthsary cake ng AlDub. 😀 I just finished watching the replay. Now I will tell you the things that were running through my mind about today’s episode. I feel obliged to share my thoughts ‘pag may matinding kaganapan sa Kalyeserye. Pressure din ‘yong mga nanghihingi sa akin ng reaction ko about every “special” episode sa Twitter, eh. haha! So, here it goes…

I liked how Alden and Yaya Dub recreated the moment they first met. ‘Yong nag-dubsmash si Yaya ng lines na ibang language. Tapos nagulat siya nakita niya si Alden na by that time, nakaupo sa mismong spot kung saan sila unang nagkita. Who would have thought na doon mauuwi ang lahat? Na lalaki nang ganoon ang isang bagay na nagsimula lang sa isang simpleng tuksuhan. Ang sarap sa feeling isipin how that particular moment has both changed their lives (and the viewers’, too).

Ang greeting card. Sinong hindi na-touch sa nilalaman ng card na ‘yon? I’m sure lahat! Pati mga barako dyan sa tabi-tabi. Sino ang nagsulat ng nakasulat doon? Si Alden ba? Sana! Pero kahit hindi siya, the letter surely brought back the memories from the first day they met and up to that present moment. At dahil doon, nag-feeling nostalgic tuloy lahat tayo, including Alden and Maine. ‘Yong tipong “look where we started and look where we are right now.” Maybe the show has script pero hindi talaga sila doon nagre-rely, eh. I think, ang nagsusulat talaga ng mga pangyayari sa Kalyeserye ay ang tadhana mismo (kumbaga parang headwriter ng scriptwriters). May dahilan kung bakit si Maine ang nakuha nila sa role na Yaya sa Problem Solving at kung bakit napunta si Maine sa sugod-bahay gang. May dahilan kung bakit hindi pa sila nagtagpo prior to the show (Kalyeserye). May dahilan kung bakit nagkaroon ng Bulaga Pa More kung saan nakasama silang pareho. May dahilan kung bakit sila pareho ang nanalo sa wildcard para magtapat. You know, fate has been writing this Kalyeserye since day zero. Don’t you think?

Ang harana habang ibinibigay ang sangkaterbang roses. Hindi ka babae kung hindi ka kinilig kapag ganoon ang ginawa sa ‘yo ng lalaki. I know it’s in the script. Still, nakakakilig. Kantahan ka ba naman ng isang Alden Richards. Noong binigay na ni Alden ‘yong prize ni Maine kay Lola Nena, that was the first time Alden spoke to Maine using his own voice, I think. “Maine, binigay ko na, ha.” Twice niya sinabi ‘yon! Twice niyang kinausap si Maine. Ilang ulit niyang binanggit ang name ni Maine. Hihi. Then eventually, he said, “Si Lola Nena muna ang kasama ko sa monthsary namin, pero malay mo sa susunod siya na.” (pertaining to Maine, sabay tago ng face pero kita naman ang dimple). Anubah, Alden! Wala sa script ‘yang pinagsasabi mo, ha! Hahaha!

Then the FS exchanges part na nagpangisay sa kilig sa marami. Itong si Lola Nena, ang sabi “Sana magkatuluyan kayo.” Iyong tawa ni Alden, o! Halatang kinilig, eh! When Maine raised her previously written “Sana,” Alden wrote “Eh di ngayon na.” Hay, jusme. Parang yumanig sa broadway, chos! Nagwala ang mga tao. At si Maine, obviously, kinilig! Saka dun sa “Maine… ready na ako.” Anubahhh itong si Dimpol! Wagas magpakilig! Hindi ako naniniwala sa sinabi niya sa interview noon (I read from somewhere) wherein he said he was not born romantic. Sa tingin ko, sadya lang hindi pa niya nakikilala ang babaeng makakapagpalabas ng romantic side nya. Pero mukhang nakilala na niya ngayon. Yiheeee! Feeling ko seryoso siya doon sa sinabi niyang ready na siya. At feeling ko, patungkol iyong sinabi niya sa pagpasok ulit sa isang relationship. Kasi nga ‘di ba ang tagal niyang hindi nagka-girlfriend dahil p-in-rioritize niya ang family niya? But now he is ready to fall in love again. Naks! 😀 (Opinyon ko lang ito, ha.)

I tried to put myself into Maine’s shoe for a moment at hindi ko kinaya ang emosyong nasa dibdib niya. Kilig, joy, anticipation, uncertainty (kasi nag-aagaw ang actingan lang sa realidad sa nangyayari sa kanila, eh) at puwede bang isama ang “love”? (Love na talaga agad no? lol) I know most of you are probably saying “Maine is such a lucky girl.” Well, she is! Definitely. Aside from successfully accomplishing her dream to be an actress, bonus ang guwapo at pagkabait-bait na ka-loveteam na tulad ni Alden Richards. Parang mapapahiling ka talagang sana ikaw na lang si Maine. Haha! Lalo na ngayon na parang nahuhulog na rin si Alden sa kanya. We are all aware of the fact that Maine had a crush on Alden long before AlDub was born. Kaya alam natin na ang hinihintay lang natin ay ang malaman kung anong score ni Maine sa puso ni Alden… na mukhang unti-unti na nating nalalaman. Hahaha!

Now, all we have to do is to wait a little more. Wait for the tamang panahon to finally arrive. I know it will be magical. I know it will be perfect. I know everyone will be in awe. So, stand by, Red Cross. 😀 #‎ALDUB2ndMonthsary‬ ‪#‎ALDUBMaiDenForREAL‬

So, what do you think ?